On the Job: Film Review “kuno”

Honestly, I’ve never seen a film better than this — quality of videography wise. (Chos. Kala mo naman alam ko sinasabi ko, haha) This review has 3 angles: (1) visual, script and execution comments; (2) implications and meaning; (3) Indie going mainstream.

Image

 

(Visuals from http://www.pep.ph/guide/guide/12460/movie-review-otj-on-the-job)

So pag-usapan natin ang execution. Story-line wise, hands down! Bongga ng twists ng movie na itey. Ang ganda din ng build up ng mga scenes kaya yung mga awesome twists, awesomely executed rin. Sa quality ng video, shooting niya at lahat ng visuals, standing ovation rin ako. Nag-comment pa nga ako na in the middle of the movie, parang hindi ko na napansin na Filipino film yung pinapanood ko. Yes, medyo biased kasi may stereotype ako ng Filipino films — maraming noise, low res ang visuals, squalado ang panning etc. Pero this time, naloka ko sa ganda ng visuals. Kudos direk Erik Matti. GALENG! Pero kung may comment man ako, sa script lang and how it was executed. I appreciate na tinry maging as jologs as possible pero naimbyerna ko konti sa pagmumura ng may konting accent. Hindi PUTA ang tunog eh, POOTUH. hahahaha. Ganda. Tapos medyo na off rin ako sa mga parts ng script na naisip kong hindi mo naman gagawin sa totoong buhay. Tulad ng off na pagmumura ni Angel Aquino nung pinatay ni Joel Torre and boylet niya. Naisip ko lang, makakapagmura ka pa ba ng ganon? Diba, matutulala ka nalang? Well, sabi ni Direk Erik. Wala akong say. Hahaha. Pero all-in-all, ang ganda ng movie na ‘to. We should have more of these.

Pangalawa, which I think is more important, yung implication and meaning ng movie na ‘to. Narealize ko lang na pagkatapos ng movie, ako lang ang medyo naiiyak. Siguro dahil alam ko na somewhere somehow totoo yung mga naganap sa movie na yon. Sabi nga nila “Art imitates life and life imitates art”. This movie speaks of the reality sa Pilipinas ng poverty, politics and survival. Dahil nakatira ko sa lugar na malapit sa squatters area, alam ko kung gaano katotoo ang mga pangyayari dun sa movie. How poverty drives the choices people make in life. How a person can be easily “trapped” in that lifestyle — sabi nga nila dahil walang choice. Pinakita niya rin ang dumi ng politics — ‘di na ko magsasalita, baka masampahan ako ng kaso. haha. And last yung survival. Pinakita ng movie na ‘to kung gaano katotoo yung sabi sabi na “ang taong gipit, sa kutsilyo kumakapit”. 

Lastly, dahil nagresearch ako about indie films before. I know for a fact na kahit na sabihin ng indie industry na walang “formula” ang indie films katulad ng mainstream — meron pa rin eh. Like OTJ, ang ginamit niya sa movie is poverty and a little bit of pornography na common sa indie films. Ngayon nga, parang napansin ko lang wala ng delineation between mainstream and indie. Kahit na wala namang point na paghiwalayin sila, type ko lang bakeeet. haha.

Bottomline, this movie is a good watch. Lumevel up na ang Filipino Films. Request ko lang kay direk Erik Matti, gawa ka pa ng mas marami please. Movies that can compete worldwide in terms of beauty but staying faithful with the reality of Philippine society.

Pahabol, may masabi lang na comment. In fairness, medyo hot si Piolo Pascual sa movie kahit awkward ang sex scenes nila ni Shaina. CHOS.

 

SINO NAGSABI? Nobody. Haha